Tuesday, April 29, 2008
I'm sorry.
Nakakahiyang mag blog ang isang taong tulad ko na nangangapa pa lamang sa pagkuha ng mga english word. Nanungunguha na nga lang mali-mali pa ang grammar. I know and i fully understand the need of proper usage of every word in a sentence at pinag susumikapan ko itong mabuo ng tama. Pero, sadya talagang mapait ang kapalaran at ako ay hindi biniyayaang magsulat ng matino.
Sa lahat ng nagbabasa ng aking blog. I really, really sorry sa mga embarassment na nagawa ko. It's an awkward thing to say pero sa pagkakataong ito..nag-aalangin akong magsalita ng english. Natatakot na akong baka mapintasan ulit ang mga dukha kong pangungusap.
Alam nyo ba kung bakit ako gumawa ng blog? Bakit nyo nga naman malalaman, eh wala akong pinagsabihan..weee..di bale sasabihin ko nalang.
Ginawa ko ito sa kadahilanang gusto kong ma improve kahit kunti ang english proficiency ko. I thought an i believe that blogging would somehow enhance my eloquency in speaking english. 'Yun bang itong blog na ito ang magtuturo sa aking mag salita ng english ng maayos. Parati kasi akong nag babasa ng blog and i found out that bloggers are soo intelligent to make an article na english lahat ang salita. Bilib talaga ako sa kanila.
sigh...
Ngayon ko lang kasi na-realize na hindi pala madali ang mag blog. MAliban sa pananakit ng iyong likod at kamay. Kasama rin pala ang kahandaan ng iyong sarili sa mga taong makakasalamuha mo sa pagbloblog.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ko ito naisulat?
uhmm...Sabihin na nating may na realized ako sa araw na ito. Isang realization na pilit kong nilalabanan. A realization that made me melancholy[ayan english word na naman]..Pero lahat naman ng realization more on good effects ang iyong makukuha.
Kaya't kahit anong mangyari i'll still posting articles with me as the author and english as my language.
If my works are full of wrong grammar kindly approach me. Alam ko may matutunan ako sa mga comments nyo. At sa mga nasaktan at nayabangan sakin' humihingi po ako ng patawad. Hindi ko alam mayabang pala ang pagkakasulat ko. Siguro mayabang ako kasi nakaya kong sumulat ng mga articles na mali-mali ang grammar.. But don't worry, i'll work it. Sana nga ay tulungan nyo ako. Kung may wrong grammar, approach nyo nalang ako [as i've said]
Taas na pala nito. Maybe nabobored kana sa pagbabasa.hehe. Thanks again for reading my blog at sana hindi mo ako iiwan. Promise i'll be good here in blogging, forever and ever. tulungan nyo lang ako!!..^^
3 Comments:
Don't push yourself too hard, if you're better communicating in tagalog... why not?!?
Establishing proper communication is more important in blogging than showing off grammar skills.
Okay lang magtagalog, wala namang pumipigil sayo kung dun ka mas magaling. Basta ang mahalaga nagkakainintdihan kayo ng audience mo. ;)
Gudluck!!
This comment has been removed by the author.
naku! ok lang yan no.. ganyan din ako.. kahit nakakahiya man aminin, di ako ganun karunong sa english kaya most of my posts, tagalog.. haha.. kung ano yung nakasanayan mo na language, ayun gamitin mo. mas madali iexpress yung sarili pag ganun. pero kung gusto mo talagang english ang gmitin, you better read and read and read.nakakatulong yan. ayun lang yung masasabi ko.. hehe.. =')
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home