Wednesday, April 30, 2008

Final judgement....

It's hard to think kung anong language ba ang gagamitin ko in this blog. Mahirap nga bang pag isipan? HIndi naman talaga kaya lang conflict kasi ang sinisigaw ng isip ko kaysa sa bulong ng damdamin ko. Sinabi ko na diba kung anu ang rason ko kung bakit ako nag bloblog and i want to achieve it. But somehow, its not about your goal. May ikokonsidera ka ring mga factors sa pagbuo nito.

Someone told me that "Establishing proper communication is more important in blogging than showing off grammar skills." Napakalalim pero laman na laman ang dating. When i read it, naapreciate ko na may bloggers din pala na magaling mag advise[isa rin ba kau sa mga councilors in blogging?]. I understood what he wants me to understand. Something na kampanang umungol sa tenga ko ang katumbas ng pagkabasa ko nito.

Dagdag pang sabi nya "ang mahalaga nagkakainintdihan kayo ng audience mo." Ang mga salitang ito ang maaring sanhi ng pagkauntog ko sa pader. Habang nag lalakad kasi ako sinusundan ako ng katagang ito. Yun bang untog na gumusing sau sa katotohanan.

Mahirap din un kailangan mo pa ng bukol para matauhan. Pero siguro talagang kailangn ng taong mauntog muna para matauhan siya.

Iyon nga ang nangyari sakin. After how many years of hours akong gumawa ng convention. Naisip ko sa wakas ang sagot.

"bakit hindi nalang ako mag blog using taglish?, Bongga naman un diba. Parang nilagay ko ang philipinas sa gitna ng america."

KAya naisip ko na gamitin nalang ng sabay ang dalawa. Baka sakaling maiintindihan nyo ang mga pinagsasabi. HIndi nga naman masama. Tsaka try ko baka dito ako sumikat..nyahahaha.

Nais kong magpasalamat sa taong iyon at sa pader para sa bukol na gumising sakin. Matsalam sa inyo.

Hahayzz. Siguro makakapagsimula na ang nga new beginning. Sana nga lang may bibista pero kahit walang kwenta tong blog ko. For sure, may silbi naman ako sa mga walang magawa.

2 Comments:

At April 30, 2008 at 10:46 PM , Anonymous Anonymous said...

added you up on my link page

xoxo,
chad-chad

 
At May 2, 2008 at 8:21 PM , Anonymous Anonymous said...

"bakit hindi nalang ako mag blog using taglish?, Bongga naman un diba. Parang nilagay ko ang philipinas sa gitna ng america."

Hahaha! Natuwa talaga ako dito! :)

Babalik-balikan ko talaga 'tong blog mo, Dan. Sabay-sabay nating harapin ang madla bilang mga totoong tao. ;) Have a happy day! :)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home