Friday, June 6, 2008

Birthday Flood '08

Ang araw ng kapanganakan ng pinaka cute na nilalang ay muli na namang napadaan. Kahapon nga lang ay nagdaos ako ng aking birthday. Ipinagdiwang ko ang aking ika-17 birthday na infairness may 'teen' pa rin sa dulo kaya hindi pa ako matanda. This is my most memorable birthday so far dahil ipinagdiwang ko ang aking kaarawan sa gitna ng daan. Baka isipin nyo nagpaparade ako pwes mali kayo. Sa katunayan binaha pa nga ako. Oh san kayo makakakita ng ganun.

JUNE 05, 2008

Nababagot ako pag hindi ako umalis sa bahay sa araw ng aking kaarawan at iyon ay natural ko nang ginagawa. Si ermat din ay may balak pumunta sa bahay ng aunt ko. Wala akong mapuntahang iba eh kaya sumama nalang ako sa ermat ko at nagbakasali mailbre ako ni ermat ng KFC.

Sa pagpunta namin sa kastilyong bahay ng aunt ko medyo maayos pa ang panahon at tila alam niyang may lalakarin ako. Maayos din ang trapiko at hindi nagloko na kagaya ng pag may pasok ako kaya mabilis kaming nakarating.

Sulit na sulit ang pagpunta namin dahil first time kong makapiling sa birthday ko ang mga pinsan ko galing germany. Bagamat hindi nila alam na kaarawan ko dahil hindi nila alam at hindi ko rin sila sinabihan. Masaya pa rin ako. Sa bahay ng aunt ko na rin kami nag tanghalian.

Dapit hapon na rin iyon ng nag decide kaming umuwi na ni ermat pero binawi ata ng panahon ang magandang klima at umulan ng pagkalakas lakas. Pero hindi nagpa daig si ermat at sumulong sa ulan maka uwi lang ng maaga. Wala akong choice kundi sumulong na rin. Ang maganda pa nito pagdating namin sa kanto walang sasakyan na dumaan ang hindi puno. Gosh! Ilang minuto na ang lumipas puno parin ang mga sasakyang nagsidaan at parang mga langgam iba na hindi na namasada dahil sa ulan.

We didn't take it anymore kaya naman si ermat nagtranform na into Volta but i stopped her. At sabi ko;..

" Ma, wag kang mag Volta. Umuulan kaya baka lahat kami makuryente.."

Kaya iyon hindi na tinuloy ni ermat ang evolution at naglakad nalang kami para makakita ng magandang lugar na may masakyan.

Sa paglalakad, hindi namin namalayan na malayo layo na ang napuntahan namin. Halos kapareho kung naglakad ka mula baguio hanggang manila. Gosh! Walking under storm pa ang ginawa namin kaya naman dapat kami bigyan ng mama ko ng award.

Anyways, after 10 kilometers na pagbaybay namin nakasakay narin kami ng jeep. Ang maganda pa ang balak naming puntahan ay malapit na rin at sandali lang kami naupo sa jeep at baba agad. How fortunate naman diba.

After ng ilang pamamasayal kasama ang bagyo nag decide na kami at last na umuwi. Sa pag-uwi namin kapansin pansin ang trapik at as usual wala kaming nakitang sasakyan dahil ang ibang sasakyan ay nagtago.

Mga isa't kalahating oras kaming naghintay ng sasakyang uugod ugod para walang sumakay na iba bago kami nakasakay ng jeep. Sa daan pabalik sa bahay namin kapansin pansin ang trapik na sanhi pala ng dagat este BAHA na sanhi rin ng pag hinto ng sasakyan namin. SHIT! ilang oras din kaming na stranded sa bahang iyon. Mabuti nalang at may mga lalaking nagpakasarap sa ulan at pinagtulungang itinulak ang sasakyang uugod ugod nga.

Kung andun lang kayo sa pangyayaring iyon mas nanaisin nyo nalang ang lumangoy sa baha kaysa maghintay na may tutulak sa sasakyan nyo. Pero hindi ako lumangoy noh. Wala kasi akong oxygen dala baka ma suffocate ako.

----------------------------------------------------------


Iyon ang mga pangyayari sa kabuuang araw ng kaarawan ko. Handa? wala akong handa inintay ko kayong pumunta sa bahay ko dala ang regalong pagkain nyo kaya lang walang dumating, as expected. Pero ayos lang dahil marami rami rin naman ang bumati sa akin at ako'y nagpapasalamat sa mga taong nakaalala sa kaarawan ko. Muli Maraming Salamat!

Labels:

1 Comments:

At June 7, 2008 at 12:09 AM , Blogger escape said...

belated happy birthday! nagulat naman ako sa post mo. ka-birthday pala tayo. hehehe... ako din wala ding handa pero masaya pa rin.

nabasa ko lang comment mo sa blog ni earvin.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home