Friday, May 2, 2008
Ang kuya kong halimaw.
Naranasan nyo na ba ang magkaroon ng kapatid na halimaw? Swerte ko lang at nagkaroon ako ng isa. Lalaki pa, lang hiya talaga. Bunso ako sa magkakapatid at dalawa lang kaming halimaw, este lalaki pala, sa pamilya. Akala ko kasi kayo lang ang magkakaintindihan dahil nga sa pareho ang maaring maging hilig nyo. Sabi nga papa ko dapat magkasundo kami sa lahat ng oras. 'Yung magkasangga sa buhay. Pero tumanggi ako. Akalain nyo bang ipangkasundo ako sa halimaw. Ayaw ko nga. But wait.. Did you know why halimaw siya? Baka siya ang magiging bida dito kasi inaaway ko siya kaya sasabihin ko sa inyo bakit halimaw ang kuya ko.
kahalimawan[1] - Unang kahalimawang ginawa ng kuya ko ay nung bata pa ako. Tarantado kasi yun. Akalain mo bang nilapat niya sa maputi kung mukha ang kamay nyang putik at &-%$@! ang hinahawakan.Nakakuha at ako nang low job at high punch sa oras na yun. Of course hindi ako papayag na hindi makaganti. Pinahiran ko siya ng alkohol. Lucky siya at that time kasi 25%solution lang na alkohol ang naipahid ko kundi may tendency mamamatay ang mga alaga nyang yucky sa katawan niya. Kaya lang naubos agad ang alkohol. Kawawa tuloy ang face at body ko dahil napuno ng stapilococcus halimawasi punch.
kahalimawan[2] - Matapos akong biktimahin at binaboy, ate ko naman ang pinatakim niya ng kahalimawan niya. Kunting bagay lang nag-iinit agad ang buntot. At parang hindi namin kuya dahil dapat kami pa ang umintindi sa kanyal(lahat naman talaga ng halimaw hindi marunong umintindi). Computer lang ang dahilan ng muntik na pagkabasag ng mukha ng ate ko. Eh kasi halimaw kaya hind nagpaawat. Gusto kasi niyang siya na naman ang magcomputer. Aba! kakatapos nga lang niya therefore bago lang kami at nagsisimula pa lamang. Pero pili t niya kaming pinapaalis kayat naglaban kami nag combine power kami using our hidden strength, conjoined ultra mega tikling style. Pero malakas talaga halimaw na yun kaya talsik agad kami. Bumangon ate ko at naglaban kaya yung halimaw nagmumukhang apple na at ipinusisyon ang katawan para sa stapilococcus halimawasi punch niya...
Nang biglang...
.....
.....
Pumagitna si mama at sinabing " TAma na! andyan kayo, kahit andito na ako san' mang lupalup ng mundo. Dito dala-dala ko(tinuturo ni mama sarili niya) ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay dahil magulang niyo ako!!!"
Naalala ko bigla...
si Vilma Santos sa pelikula niyang anak. MAganda kasi yun. Akala ko yun sasabihin niya hindi pala. In short sabi niya. "KAkain na kaya tama na ha.!" Ito ang mas award winning diba. Kahit na ganun proud ako sa mama ko, she could manage to settle the fight in time, kundi wawa ang beauty face ng ate ko.
Kahalimawan[3] - Again, dito ako parin ang bida kaya bilang bida kailangan laging mabango kaya't galing ligo ako at that moment. On my move to open my legs and i raise my one leg so that i could reach the higher stair, samakatwid humakbang ako para makapunta sa average-velocity-upstairs ng bahay namin. Ito na, ang halimaw walang patawad, umiksena. Bigla niyang gustong hablutin ang towel na that time un lang ang nagcocover sa yaman na pinakakatangi ko. Ewan at nababading ata ang halimaw at naisip niya iyon. Ok lang sana kung kaming dalawa lang. Huhubarin ko pa sa kanya para at least no effort na siya sa paghuhubad sakin eh kaso may mga ibang tao pa. At yun marahil ang maitim niyang binabalak. Ang pahiyain ako sa madla. Hah.! hindi niya alam may malapit na solid thing sa kamay ko. Laruan ko noon na pagka-cute-cute na ginawa kong attack sa kanya. Tinira ko siya ng laruang iyon ng paulit-ulit. Nung nanghina na siya na parang nawalan na ng shakra ay eskapo agad ako papuntang taas ng bahay. Ang hindi ko alam, hindi pa pala ako ligtas. Nung natapos na akong magbihis rumisbak ang halimaw. Wala na akong nagawa dahil naubos rin ang shakra ko sa attack ko sa kanya. Sa taas niya ako pinagsamantalahan.....pinagsamantalahang bigyan ng multiple injury of frustrate murder resulting to stapilococcus halimawasi. Sa atak na ito na puruhan talaga ako. Lang hiya, bumuhos nalang ang tubig na maalat sa face ko. La na akong magawa eh, shinaringgan ata ako ng palihim.
Sa kabuuan marami pa talagang factor kung bakit naging halimaw kuya ko. Ayaw ko nang balikan ang ibang ginawa niya sa akin. Baka maging halimaw din ako. At baka ikaw din. Pero sa kabila ng lahat, alam ko kuya ko parin yun kahit itnuututan kami ng amoy na nakakamatay.
Teka? Sa inyo rin ba may halimaw? Wag nang mag alanganin pa i blog mo na. Oh baka naman ikaw ang halimaw sa kapatid mo?
Bukabularyo:
1. Stapiloccus halimawasin-isang uri ng attack na pahalimaw ang move.
2.average velocity upstairs-part ng bahay na parang nag-aalanganin kung 2nd floor siya o 1st floor.
3.conjoined ultra mega tikling-move ng mga taong umaatake na 1% effectiveness ng attack.
4.multiple injury of frustrate murder resulting to stapiloccus halimawasi- Series of moves ng isang taong almost halimaw na ang mukha at may 100% na makakapinsala sa katawan mo.
NOTE: ANG BUKABULARYONG ITO AY GAWA GAWA NG TAONG WALANG MAGAWA, SORRY NA PO.
3 Comments:
huwag mo aawayin ang kuya mo sa net. Kuya mo pa rin naman yun.
hehe. Yah, naisip ko yun kaya lang nakalimutan kung i type.^^ thanxs
try mo na lang na tingnan yung mga bagay na pwede kayong magkasundo at yun yung i-develope niyo, baka kase isang factor yung age gap... ako nga gusto ko maranasang magkaron ng kuya e, isipin mo na lang na swerte ka kase naranasan mo kung pano magkaron ng kuya, hindi man sa paraan na gusto mo, pero sigurado akong may mga bagay din na nagpapasaya sa'yo dahil sa kuya mo, hindi naman laging "kahamimawan" yung moments niyo na magkasama kayo e, may mga masasaya rin naman sigurado, malay mo sa susunod, mapagtripan mo namang i-bog yung mga mabubuting pagsasama niyo ng kuya mo :)
hay! napahaba yung comment pasensia na...haha :)
tc :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home