The sun was about to set (drama to the max naman), ng biglang tinamaan ng gutom ang tiyan naming magkakaibigan. Basta kasi pagkain ang pinag-uusapan no one could ever endure it. So nag decide kaming tumungo sa isang chicken restaurant na first time kong makapunta ever. Sa mga taga visiyas and mindanao i think you know
Penongs, right?! Kung hindi, sang lupalup kaba ng visayas at mindanao napadpad? Anyways, sa Penongs nga kami tumuloy at sumubok. For the very first time makakain na rin ako sa isang restaurant na kinakainan ng mga ate ko. Kasi yung mga yun ay hindi nagsasama ng
cute pag kumakain sa ganung uri ng kainan. Tanging mga lubby dubby lang nila ang sinasama nila,iniiwan ang cute na katulad ko.
pero i'm not losing hope at pinangako kong babangon ako't dudurugin ko sila (wag kang matakot, nag mi
miditate lang ko, over noh!)
Siyempre first time dibah, hindi ko alam kung pano umorder at pagorder sa restaurant nila. I feel great pah kasi yung kinainan namin eh unlimited sabi ng friend ko. Bakbakan na toh! Minsan lang sa buhay ang unli sa pagkain. uhm. Nagmuni-muni ako sa kapaligiran ng restaurant (In fairness maganda ang venue) at nabasa ko ang
"Eat All you Kan------On".Abah. lukaret din pala tong kaibigan ko noh. Kala ko talaga unlimited 'yun pala kanin lang. Kung sa bagay practical naman un. Mahal na ata ang bigas sa Pilipinas. Minsan nga gusto ko nang kumain ng bato dahil halos hindi ko na malunok ang presyo ng bigas.
Isang friend ko ang tumawag ng isang waiter para bigyan kami ng
Menu pero bago pa kami binigyan ilang minuto pa ang hinantay namin. We understand naman since marami-rami din ang customers nila. Tumingin din ako sa menu noh! Naka order na ang mga friend ko. Inato 2 daw sa kanila, sabi nila yun nalang din oorderin ko. i said
No!.Over ang pagkapilyo kaya natagalan akong pumili. pero sa huli xempre i have choice xempre. Kaya ang inorder ko nalang eh "Eynatow 2". Curios sila saan daw un sa menu at baka masarap but the waiter said "wala poon eynatow 2 sa menu sir".
Inulit ko baka bingi lang ang waiter. "I said Eynatow2 "
"HUH?!"
"Eynatow 2!!!!!"
"huh?!"
"Pastilan
Inato 2 dong!
Inato 2"
Kulit ng waiter pero okay lang at least alam na nya order ko. kaya umalis agad.
Ilang minuto na ang nakalipas wala ng napansin namin wala pa ang order namin. Halos matatapos na yung mamang huli pang dumating kaysa sa amin. Of course react na kami esp. ako. Nag lalava na ang worms sa stomachh ko. HIndi napigil friend ko sarili nya at pumunta sa cahier para i-follow up order namin.
Sabi nag kahera "Sorry sir nakalimutan siguro ng waiter na dalhin sa table nyo ang mga dish".
Abah hindi pede samin yan.
Ignorance to the customers excuse no one! naglalaway na kami doon tapos ganun lang. Buti may tubig sa table namin. Free ata un at ininum ko nalang to break down my temper.
Dinala na din ng waiter ang mga order namin at nag simula na kaming chumibog. Mabuti't masarap ang dishes nila at napawi galit ko sa kanila.
Mabilis din kaming natapos at mabilis naming tinapos dahil naabutan kami ng full moon sa tagal ng order namin.
Ngayon alam ko na kung bakit masarap ang kain mo sa Penongs. Kasi gugutumin ka muna bago pakainin. Wag nga lang ako ang gutumin nila, baka mag evolve ako.
Labels: chibug